Article Inside Page
Showbiz News
Jampacked at puno ng blessings ang September ni Khalil Ramos!Kinatuwaan ng maraming netizens ang pagbabahagi ng Kapuso actor na si Khalil Ramos sa kaniyang social media ng isang nakatutuwang update para sa kaniyang mga fans at followers patungkol sa kaniyang busy at fruitful na career.
Ibinahagi kasi ni Khalil sa nakatutuwang paraan ang kaniyang mga naka-line up na mga proyekto sa September, na siya kapareha ng estilo sa social media ng sikat na Hollywood at Oscar-winning actress na si Anne Hathaway.
Sa Instagram bio kasi ni Anne, inilahad niya ang listahan ng kaniyang sunud-sunod na mga naglalakihang proyekto ngayong taon tulad ng Mother Mary, The Devil Wears Prada 2, The Odyssey Movie, End Of Oak Street, at Verity the Movie.






