Article Inside Page
Showbiz News
Pokwang sa Cinemalaya film na '2 Valid IDs': "Sana makatulong po talaga itong pelikulang ito para mabago na 'yung sistema, lalong-lalo na para roon sa ating maliliit na kababayan."Natutuwa at ipinagpapasalamat ni Pokwang ang magagandang reviews at sold-out screenings ng kanyang Cinemalaya film na 2 Valid IDs.
Sa report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, sinabing marami ang naka-relate at naantig sa kuwento ng ginagampanang karakter ni Pokwang na si Sylvia.
Tampok sa 2 Valid IDs ang kuwento ni Sylvia, isang magsasaka na nahihirapang makuha sa remittance center ang perang ipinadala ng kanyang kamag-anak para sa pagpapagamot ng asawang may severe chronic obstructive pulmonary disease (COPD). Ito ay dahil kinakailangan niyang magpakita ng dalawang valid government ID, mga dokumentong wala siyang maiprisinta.






