Article Inside Page
Showbiz News
Bibida ang Kapuso star na si Pokwang sa Cinemalaya 2026 entry na '2 Valid IDs.'Labis ang pasasalamat ni Marietta Subong o mas kilala bilang Pokwang sa mga sumuporta sa upcoming movie niya na 2 Valid IDs, na official entry sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ngayong taon.
Nakakuha ng 10 million views across all social media platforms and channels ang trailer ng indie film, na mula sa direksyon ni Ma-an L. Asuncion-Dagñalan at panulat ni Abet Pagdagdagan Raz.
Sulat ni Pokwang sa kaniyang Facebook post, "Grabe na kayo… salamat po sa pa 10 million views po ninyo."






