Article Inside Page
Showbiz News
Inspirasyon na maituturing para kay Dennis Trillo ang pelikulang Green Bones sa pagbuo ng kaniyang bagong pelikulang Amir.Hindi na maitago ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo ang kaniyang pagkasabik sa kaniyang Metro Manila Film Festival 2026 entry na Amir.
Sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Dennis na matagal-tagal na ring nagsimula ang kanilang shooting at patapos na rin ito upang bigyang-daan ang masusing post-production phase ng pelikula.
“Sa Amir, malapit na kasi maaga kami nag-start, malapit na rin matapos 'yung mga shooting. Maaga nag-start kasi maraming special effects na kailangang gawin sa post-prods, sa editing,” pahayag ng aktor.






