Article Inside Page

Showbiz News

Hindi na mapigilan ni Dennis Trillo sa masabik sa kaniyang pelikulang Amir.Sa kaniyang eksklusibong pakikipanayam sa GMA afternoon talk show na Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo ang labis niyang pananabik sa kaniyang pelikulang Amir, isa sa mga opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Ayon kay Dennis, masaya siya dahil malapit nang matapos ang shooting ng pelikula. Binigyang-diin din niya na labis siyang excited dahil muli niyang nakatrabaho ang mahusay na team sa likod ng award-winning film sa MMFF 2025 na Green Bones.

“Malapit na pong matapos, sobrang excited ako dahil after Green Bones, after one year na pahinga 'yung same team, sila rin 'yung gagawa—sina Direk Zig, Ricky Lee, Anj Atienza, 'yung team ng Green Bones,” pahayag ng aktor.