Article Inside Page

Showbiz News

Wilbert Ross, napaamin sa totoong relasyon nila ni Bea BineneKitang-kita ang pagiging malapit ngayon ng singer-actor na si Wilbert Ross at ng dating StarStruck Kids finalist na si Bea Binene. Kaya naman, napapatanong ang mga netizens kung ano na nga ba ang relasyon nilang dalawa ngayon?

Sa Fast Talk with Boy Abunda itong Martes, August 11, sinabi ni Wilbert na partner na niya ngayong ang aktres.

“Si Bea ngayon, partner ko siya sa madaming bagay ngayon, like we have a business together, Sunset Avenue, may series kami ngayon, Love You Lots, showing on Viva One, meron din kaming movie na gagawin, Pee Mak, Philippine adaptation,” sabi ni Wilbert.