Photo Inside Page

Photos

Isang resounding success ang major debut concert ni Wilbert Ross na “WRten by” na naganap noong July 25 at 26 sa New Frontier Theater. Ang concert ang nagsilbing pagdiriwang ng singer-actor ng kaniyang ika-10 anibersaryo sa show business.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, August 11, ipinahayag ni Wilbert ang lubos niyang pasasalamat sa fans lalo na at 15 minuto pa lang nang simulan ang ticket selling ay na-sold out na ang kaniyang concert.

“Sobrang thankful ko nu'ng time na 'yun, pero hindi ko siya in-expect, Tito Boy, ha. Kasi ako, siyempre it's an honor na mabigyan ng chance na mag-concert. At para ma-sold out 'yun ng 15 minutes, sobrang 'Ganito na pala kadami ang willing makinig, marinig 'yung musika ko, ng mga sulat ko,'” sabi ni Wilbert.