Article Inside Page

Showbiz News

"Every month mayroon po akong outreach program... Gusto ko kasi kapag nawala na ako, may legacy ako, na marami akong napangiting tao." - Diego LloricoKung may nais mang iwanang legacy ang Bubble Gang comedian na si Diego Llorico, ito ay ang makapagbigay ngiti sa mga bata at maraming tao.

Kuwento ni Diego kay Susan Enriquez para sa "Kay Susan Tayo! Vlogs," nagsasagawa siya ng outreach program program buwan-buwan kung saan nagpapa-feeding siya sa mga bata at namimigay ng mga laruan at tsinelas.

"Ngayon po kasi 'yung ginagawa ko po, every month mayroon po akong outreach program," sabi ni Diego. "'Yun na lang po 'yung gusto kong maiwan. Ano po 'yun Dada's, Diego, & Friends feeding program. Namimigay ako ng laruan at saka tsinelas, at nagpapakain po ng maraming bata, every month po 'yon."