Article Inside Page
Showbiz News
Paano nga ba nagsimula si Diego Llorico sa 'Bubble Gang'? Alamin ang kanyang kuwento rito.Kinilala ng Bubble Gang comedian na si Diego Llorico ang malaking kontribusyon ni Michael V. sa kanyang naging karera bilang komedyante.
Sa pakikipagkuwentuhan kay Susan Enriquez sa Kay Susan Tayo! Vlogs, sinagot ng "Atlit" star kung sino ang masasabing naging mentor niya sa comedy.
"Malaking contribution? Si Bitoy, syempre. Siya naman talaga. Kasi si Bitoy magaling siya talaga, kahit saan. Genius siya. 'Yung sa timing, pagsusulat, lahat," sagot niya.






