Article Inside Page
Showbiz News
Awra Briguela sa kanyang rhinoplasty: "Ang peg ko po talaga originally is si Cindy Kimberly po... Hindi ko po in-expect na si Catriona po o si Kendra po 'yung magiging kamukha po sabi po nila."
"This year po talaga nag-start po ako mag-transition. What I mean by that, this year nag-start po akong mag-consult sa endocrinologist sa tamang pag-inom po ng hormones ko and kasama rin po 'yung physical transformation ko po, hindi lang po sa pag-transition ko into transgender woman po," sabi ni Awra.
"Hindi ko naman po talaga insecurities 'yung ilong ko. Pero napansin ko po kasi at na-realize ko na malaking factor din po talaga 'yung ilong para ma-enhance 'yung buong mukha po. Feeling ko po mas may igaganda pa ako 'pag pinaayos ko po 'yung ilong ko. Kaya matagal ko rin po siyang pinag-isipan at pinagdesisyunan, na 'yung magiging first surgery ko po ever is 'yung ilong po," dagdag niya.









