Article Inside Page
Showbiz News
Inamin din ni Awra ang pagkakataong gusto na niyang sumuko: "Araw-araw po ayoko na po talaga."
Hindi napigilang maging emosyonal ni Awra Briguela nang balikan ang nangyaring insidente noong 2023 kung saan nasangkot siya sa gulo sa isang bar sa Poblacion, Makati, dahilan ng panandaliang pagkakakulong.
Sa pakikipagkuwentuhan kay King of Talk Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes (August 7), sinabi ni Awra na matagal nang tapos ang nangyari noon sa kanya.






