Para sa mga breadwinner ang bagong episode ng 'Regal Studio Presents.'

Pinamagatang "Welcome Home," kuwento ito ng isang OFW na uuwi matapos ang ilang taong pagtatrabaho abroad.

Nakapagpatayo na si Sarah (Liezel Lopez) ng bahay para sa kanyang pamilya at naipagamot na rin ang tatay niya na may sakit.

Napagtapos na rin niya ang kapatid sa college kaya gusto sana niyang mag-focus naman sa sarili.

Dahil natupad na ang mga responsibilidad, gusto nang magpakasal ni Sarah sa boyfriend at magsimula ng sarili niyang pamilya.