Article Inside Page
Showbiz News
Pinabulaanan ni Eric Fructuoso na babaero siya noon, "Hindi ganu'n, mapagbigay lang."Pinatunayan ng aktor na si Eric Fructuoso kung bakit isa siya sa gwapings dahil sa celebrity relationships na nagkaroon siya noon. Sa katunayan, isa sa mga naging unang girlfriend niya ay si Claudine Barretto.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, August 5, nilinaw ni Eric ang mga sabi-sabi tungkol sa kaniya noon na babaero diumano siya.
Paglilinaw ng aktor, “Kasi ang daming nagsasabi na babaero, hindi. Hindi ganu'n, mapagbigay lang. Ewan ko, siyempre, bata pa tayo nu'n, 'di ba?”






