Article Inside Page
Showbiz News
Nagpakilig si Josh Ford sa ginawa niyang surprise para sa kaarawan ni Kira Balinger.Hindi napigilang kiligin ng mga tagahanga matapos sorpresahin ng Sparkle actor na si Josh Ford ang kanyang katambal sa 'KiSh' na si Kira Balinger para sa kaarawan nito noong Lunes, August 3.
Sa isang sweet gesture, naghanda si Josh ng isang midnight surprise para kay Kira. Ibinahagi ng aktor ang ilang mga tagpo sa isang Instagram reel, kung saan nagkunwari pa siyang nakalimutan ang kaarawan ng aktres.
Tinawagan niya si Kira at sinabing may pina-deliver siya para rito na kailangan nitong hintayin sa labas.






