Article Inside Page

Showbiz News

Masaya ang Kapamilya actor na si JC Alcantara na muling nakatrabaho ang Sparkle actress na si Barbie Forteza.Muling mapapanood sa isang pelikula ang Kapuso star na si Barbie Forteza at Kapamilya actor na si JC Alcantara sa pamamagitan ng upcoming comedy film na Saving Cherry.

Bago pa man ito, nagkasama na sina Barbie at JC sa psychological-horror film ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na P77.

Sa naganap na media conference para sa nalalapit na pelikula, ibinahagi ni JC kung gaano niya na-appreciate si Barbie dahil sa pagiging mapagbigay nito bilang co-star.