Photo Inside Page

Photos

Pumanaw na ang kilalang veteran entertainment columnist, radio anchor, at talent manager na si Jobert Sucaldito, o mas kilalang “Nanay Jobert” sa edad na 65.

Inanunsyo ng Facebook page ng online channel na 'Oras ng Opinyon Talakayan at Diskusyon' (OOTD) ang malungkot na balita ng pagpanaw ng veteran entertainment columnist na si Jobert Sucaldito. Siya ay isa sa mga pangunahing host ng naturang online show.

“Sa aming mga minamahal na manonood at tagasuporta, lubos po naming ipinapaalam na ang aming pinakamamahal na Nanay Jobert Sucaldito ay mapayapang pumanaw ngayong Agosto 2, 2026,” pahayag ng pamunuan ng OOTD.