Shuvee Etrata, ibinahagi kung paano nakaapekto sa kanya ang role na Tonet Mendoza sa 'The Master Cutter'Nagpaalam na si Shuvee Etrata sa kaniyang karakter na si Tonet Mendoza sa The Master Cutter.

Ang emosyonal na pamamaalam ni Tonet ay tinutukan at iniyakan ng mga manonood sa GMA.

Ayon sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, ipinakita ni Tonet kung paano niya ipinaglaban hanggang sa huli ang mga taong mahal niya. Kuwento ni Shuvee, "Nakakalungkot pero ipinaglaban niya. Sana ang nakita ng mga fans or ng mga viewers natin how far can she go for love."

Saad pa ng aktres na si Shuvee na ang pagmamahal ni Tonet ay kayang magsakripisyo ng sarili niyang buhay.

"Yung parang kaya niyang magsakripisyo para sa mga taong mahal niya. Ganoon siyang klase magmahal, kaya isakripisyo 'yung sarili niya."