Article Inside Page

Showbiz News

Taos-pusong nagpasalamat si Shuvee Etrata sa lahat ng sumubaybay at nagmahal sa karakter niyang si Tonet sa 'The Master Cutter.'Bumuhos ang luha ng mga manonood na tumutok sa The Master Cutter nitong Huwebes ng gabi matapos ang masakit na pamamaalam ng karakter ni Shuvee Etrata na si Tonet.

Ibinahagi ng Sparkle actress sa kaniyang social media accounts ang ilang behind-the-scenes moments mula sa taping ng kaniyang final episode sa hit GMA Prime series. Kabilang dito ang makabagbag-damdaming eksena nila ng co-star na si Ketchup Eusebio, na gumaganap bilang kuya ni Tonet na si Emerson.

Bukod sa pagbabahagi ng exclusive sneak peek sa kanilang taping, nag-iwan din si Shuvee ng mensahe para sa buong cast, crew, at mga sumubaybay sa serye.