Article Inside Page
Showbiz News
Former Bubble Gang star Lovely Abella, sobrang proud sa academic achievements ng panganay nilang anak ni Benj Manalo.Mapapa-"sana all" ang maraming magulang sa naabot na academic achievements ng panganay na anak ng celebrity entrepreneur na si Lovely Abella.
Tuwang-tuwa ang dating Bubble Gang comedienne matapos magtapos ang anak niyang si Crisha Kaye Coja bilang with High Honors sa Benilde Senior High School.
Hindi lamang iyon, dahil nakatanggap din si Crisha ng iba't ibang parangal, kabilang ang Service Award, Leadership Award, Outstanding Academic Performance Award, at Best in Social Sciences.






