Article Inside Page
Showbiz News
Nagbalik-tanaw ang maraming fans nina Wendell Ramos at Katrina Halili sa kanilang tambalan sa 'Prima Donnas' dahil sa kanilang muling pagsasama sa family sports drama series na 'Kamao.'Muling nagpakilig sa mga manonood sina Wendell Ramos at Katrina Halili matapos silang magsama sa family sports drama series na Kamao.
Nagbahagi kamakailan si Wendell ng isang behind-the-scenes video mula sa set ng Kamao, tampok ang kanilang eksena ni Katrina sa serye. Agad itong umani ng atensyon mula sa netizens, na hindi napigilang balikan ang tambalan nina Wendell at Katrina sa hit family drama ng GMA noong 2019-2022 na Prima Donnas, kung saan ginampanan nila ang mga karakter nina Jaime Claveria at Lilian Madreal-Claveria. Sa serye, si Lilian ay ang surrogate mother ng tatlong anak nina Jaime at Maita Claveria (Glaiza De Castro).
Sa comment section ng naturang video, maraming fans ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan na makita sina Wendell at Katrina muli sa iisang proyekto. May ilan ding nagsabing naalala nila ang kanilang mga eksena sa Prima Donnas dahil sa kanilang natural na chemistry sa screen.






