Article Inside Page
Showbiz News
Kuha ni Wendell Ramos ang inis ng 'Kamao' viewers dahil sa kanyang pagiging epektibong kontrabida sa serye.Kinaiinisan sa hapon ang karakter ni Wendell Ramos sa GMA family sports drama na Kamao.
Dito gumaganap si Wendell bilang Caloy, ang boxing rival ni Nonoy, na karakter ni Neil Ryan Sese. Si Nonoy ang ama ni MakMak, na bida ng serye na ginagampanan ni Kapuso dramatic action star Anton Vinzon.
Matapos ipakalat ni Caloy ang sex video scandal ni Nonoy kasama ang kapwa lalaki, nasira ang boxing career ni Nonoy.









