Article Inside Page
Showbiz News
Ano nga ba ang gagawin ni Sean Lucas kung nagparamdam si first love? Alamin ang kanyang sagot dito.Tila napa-hot seat kaagad si Sean Lucas nitong Sabado (July 25) sa GMA Comedy game show na The People Have Spoken.
Sa umpisa pa lang ng programa, bigla siyang tinanong ng host na si Heart Evangelista tungkol sa kanyang first love.
"Paano ba 'to? Bigla raw nagparamdam 'yung first love mong ngayon na single ka na ulit? Ano bang gagawin mo? Re-replayan mo ba 'yan o makikita ko na lang sa TikTok 'yan?" tanong ni Heart.






