Article Inside Page

Showbiz News

Si Renee Salud ang pangalawang local designer na sinuot ni Miss Supranational Philippines Kat Llegado, pagkatapos niyang suotin si Manny Halasan.Patuloy na pinagsasama ni kasalukuyang Miss Supranational Philippines Katrina Llegado ang fashion at pageant skills sa kaniyang pageant journey sa pamamagitan ng pagsuot ng modern Filipiniana para sa isa sa Miss Supranational challenges.

Nag-upload ng mga picture si Katrina na suot ang modern Filipiniana na gawa ng designer na si Renee Salud sa kaniyang Instagram account. Sinuot niya ang Filipiniana para sa kaniyang closed-door interview para sa Miss Supranational pageant, at sa caption sa post ay sinabi niya na nanalangin din siya para sa “wisdom, confidence, and a calm heart.”

Si Renee Salud ang pangalawang designer na na-feature ni Katrina sa kaniyang Instagram account at sa Miss Supranational pageant. Sa kaniyang sashing ceremony sa Hotel Swing sa Poland, pinili ni Katrina suotin ang isang pink Manny Halasan Filipiniana. Sinabi ni Katrina sa isang Instagram post na karangalan “to carry a piece of Filipino craftsmanship” sa simula ng kaniyang Miss Supranational journey.