Article Inside Page

Showbiz News

Ipinarinig ni Rochelle Pangilinan ang teaser ng bagong kanta ng grupong SexBomb Girls!Gumawa muli ng ingay at inulan ng excitement ang social media matapos mag-post ang Kapuso actress at SexBomb Girls group leader na si Rochelle Pangilinan tungkol sa muli nilang pagsasama-sama ng kaniyang mga dating kasamahan para sa isang espesyal at bagong proyekto.

Matapos ang matagumpay na reunion concert na Get Get Aw!, may panibagong handog na naman ang hit Filipino girl group sa kanilang fans at supporters kung saan maglalabas sila ng isang panibagong single na pinamagatang Mama Mama.

Sa Instagram post ni Rochelle, ibinahagi niya ang isang video kung saan kita ang grupo na magkakasama habang sumasayaw sa saliw ng kanilang naturang bagong kanta.