Article Inside Page

Showbiz News

Abangan kung ano ang susunod na pasabog ng SexBomb Girls mula sa leader nilang si Rochelle PangilinanPagkatapos ng successful run ng “Get, Get, Aw!: The SexBomb Concert” ng SexBomb Girls sa Pilipinas at abroad, ibinahagi ng kanilang lider na si Rochelle Pangilinan sa Fast Talk with Boy Abunda nitong June 23 kung ano na ang nagbago sa kanila at ang susunod na gagawin ng grupo.

“'Yung mga nabago, mas mature na 'yung SexBomb Girls ngayon. And 'yung mga hindi nabago, ang kukulit pa rin ng lahat. Ang tingin pa rin nila sa 'kin, leader pa rin, tapos kailangan asikasuhin mo sila lagi, tapos isip bata pa rin 'yung karamihan,” sabi ni Rochelle.

Pagbabahagi pa ni Rochelle, malaki na rin ang pinagbago niya bilang leader. Kung dati ay lagi siyang nakasigaw sa kaniyang mga kagrupo para mapasunod sila, ngayon ay hindi na. Pero nilinaw ng dancer-actress na may mga diskusyon pa rin naman sila.