Article Inside Page

Showbiz News

Sino na nga ba ang nagpapatibok ng puso ngayon ni Jelai Andres?Ngayong granted na ang annulment nina Jelai Andres at Jon Gutierrez, may nagpapatibok na nga ba muli sa puso ng social media influencer?

“Tito Boy, mga pet sa ngayon. Sana meron, Tito Boy, 'yun 'yung dinadasal natin kay Lord ngayon, 'yung tamang tao,” sagot ni Jelai sa kanyang 'Fast Talk with Boy Abunda' interview nitong Lunes, July 21.

Paglilinaw ni Jelai, hindi naman niya hinahanap ang taong muli niyang mamahalin. Sa halip, mas pinipili niyang mag-intay “kung meron.”