Article Inside Page

Showbiz News

Abangan ang Beauty & Beats at Hunky & Sporty ngayong July 15 sa 'Family Feud.'Dalawang grupo na parehong may dating, talento, at matinding charisma ang maghaharap sa Family Feud ngayong Lunes!

Ngayong July 20, maglalaro sa Beauty & Beats ang grupo ng mga talented at gorgeous female DJs. Pangungunahan ito ni DJ Roxie (Phoebe Go), isang radio DJ na mahilig ding magluto, maglaro ng billiards, at manood ng movies. Makakasama niya si DJ Sharlyn (Sharlyn Dizon), isang Pampanga-based club DJ at model na kilala sa pagpe-perform sa iba't ibang events, festivals, at corporate shows.

Kasama rin sa team si DJ Sandra (Sandra Gruta), isang club DJ at model na bukod sa musika ay hilig din ang cooking, boxing, at Muay Thai. Kumukumpleto sa grupo si DJ Chacha (Charisse Tañedo), isang touring DJ mula sa Pangasinan na mahilig mag-travel at maglaro ng pickleball.