Article Inside Page
Showbiz News
At home na si Ruru Madrid sa Tondo kung saan sinu-shoot ang bago niyang teleserye.Tuloy tuloy lang ang taping ni primetime action hero Ruru Madrid para sa bago niyang action-drama series na Hari ng Tondo.
Sa Tondo mismo kinukunan ang ilang mga eksena ng serye kaya at home na raw si Ruru sa lugar.
"Siyempre kailangan namin i-entertain po lahat ng mga taong nandoon dahil kami po 'yung bisita e. Every time na may pinupuntahan kaming lugar sa Tondo, parang welcome na welcome kami," pahayag ni Ruru.






