Article Inside Page

Showbiz News

Mga Kapuso na nakatira sa condo, mataas din ba ang bill ninyo sa kuryente gaya ng naranasan ni Mika Salamanca?Napa-"huh" na lang ang Big Winner ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na si Mika Salamanca nang makita niya ang electric bill sa tinutuluyang condominium.

Sa kalagitnaan ng kanyang vlog kung saan ipinasilip ng fast-rising Sparkle star ang pinapatayo niyang bahay, bigla nitong ipinakita ang current bill niya sa Meralco.

Pagkakita ni Mika sa babayaran niya ay napasabi na lang ito ng “Teka lang! Aray ko naman. Nagmahal 'yung kuryente ko lalo! 39,000! Grabe naman yan!”