Article Inside Page

Showbiz News

Sa kabila ng pagiging single, masaya naman umano si Dolly de Leon sa kanyang mga anak at karera.Masaya umano ang internationally acclaimed actress na si Dolly de Leon sa kanyang single life at pagiging single parent sa apat niyang anak. Sabi pa niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, July 14, wala siyang oras para sa love life.

Sabi ni Dolly sa GMA Afternoon Prime talk show, sa dinami-rami ng nakakasalubong niyang guwapong Hollywood stars ay wala sa kanila ang nanligaw sa kanya, pero may mga tila "lumalandi" daw.

Aniya, “'Di ko type, ayoko. Wala akong time. Ayoko. I enjoy being single, I love being alone.”