Article Inside Page

Showbiz News

Para kay Dolly de Leon, importante ang pagkilala sa mga Pinoy actors at projects para lalo pang pagbutihin ang paggawa ng mga proyekto.Malaking karangalan umano para kay Dolly de Leon ang maging bahagi ng Actors Branch ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences (AMPAS). Ngunit mas magiging malaking karangalan ang makita ang isang Pinoy na maging nominado para sa Academy Awards ng organisasyon, na mas kilala bilang Oscars.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, July 14, sinabi ni Dolly kung gaano kalaking karangalan ang magkaroon ng Pinoy na ma-nominate at kalaunan ay manalo sa Oscars.

Pag-amin pa ng aktres, noong una ay hindi naman importante iyon sa kaniya. Ngunit nagbago ang kaniyang pananaw dahil sa mga nagawa ng Pinoy tennis player na si Alex Eala.