Article Inside Page

Showbiz News

Ibinahagi nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang naging karanasan nila sa pakikipagtrabaho kay JL Toreliza ng BGYO, na kabilang sa panel of judges ng "The Clash Teens."Todo-puri sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz kay JL Toreliza ng BGYO, na unang sumabak bilang isa sa mga hurado ng The Clash Teens.

Ayon kay Julie Anne, may ibang side si JL na makikita sa programa.

"Si JL may tinatago talaga siyang kulit," aniya sa nakaraang episode ng All-Out Sundays kung saan nag-guest si JL.