Article Inside Page
Showbiz News
Dating contestant ng 'The Clash' ang BGYO member at Chinito P-Pop Charmer na si JL Toreliza, mula season one na ipinalabas noong 2018.Full circle moment para sa BGYO member na si JL Toreliza ang pagiging judge ng The Clash Teens. Makakasama niya sa panel ang Star of the New Gen na si Jillian Ward at ang Asia's Romantic Balladeer na si Christian Bautista.
Dating contestant ng The Clash si JL, mula season one na ipinalabas noong 2018.
Sa media conference ng singing competition ngayong Martes, May 26, binalikan ng Chinito P-Pop Charmer ang kanyang experience bilang Clasher.






