Article Inside Page
Showbiz News
Muli na bang mapapanood si Matthew Mendoza sa TV at big screen?Kilala si Matthew Mendoza noong '90s bilang isa sa mga pinakagwapong leading men. Ngayon, pinagsisilbihan naman niya ang Puerto Prinsesa City bilang konsehal simula noong 2013.
Nang tanungin siya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 9, kung kailan at paano siya magbabalik sa showbiz, sinabi ni Matthew na hindi naman talaga siya umalis. Sa halip, nag-lie low lang umano siya.
“Maybe someday, siyempre right now, involved ako sa politics, ayoko rin na masira ko because when I committed myself to public service, sabi ko, I don't mind doing movies, pero I really have to set a date for it,” sabi ni Matthew.














