Article Inside Page

Showbiz News

Ayon kay Matthew Mendoza, kailanman ay hindi nila naisip ng kanyang asawa na itago ang sitwasyon ng kanilang anak na may Down syndrome. Alamin ang buong kuwento rito:Sa kabila ng pagkakaroon ng Down syndrome ng anak ni Matthew Mendoza na si Bea, sinigurado pa rin nila ng asawa niyang si Maya Flores na hindi nila itatago ang anak habang lumalaki siya.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwbes, July 9, inilahad ni Matthew ang karanasan nilang mag-asawa sa pagkakaroon ng anak na may Down syndrome para sa mga kapwa nilang mga magulang na may kaparehong sitwasyon.

Ani Matthew, “My wife and I, ever since na lumabas si Bea, hindi namin siya tinabi. Sinama namin siya sa regular, sa minastream. Kasi, kung tinatago mo, they won't grow.”