Article Inside Page

Showbiz News

Ramdam umano ni BB Gandanghari ang hinagpis ng mga magulang ni Rene BaterboniaNaging usap-usapan ang pagtulong ni BB Gandanghari sa pamilya ni Rene Baterbonia, ang isa sa mga atleta ng Ateneo De Manila University na pumanaw sa isang training exercise.

Matatandaan na pumanaw kamakailan sina Rene at teammate nitong si Divine Adili nang magsagawa sila ng training exercise sa Dipaculao, Aurora.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, July 6, ibinahagi ni BB Gandanghari na ang kapatid niyang si Senator Robin Padilla ang dahilan kung bakit niya nalaman ang sitwasyon ng pamilya ng namayapang atleta.