Article Inside Page

Showbiz News

Grateful ang P-Pop girl group na G22 sa kanilang fans na naging dahilan para gawin ang kanilang unang solo concert.Excited na ang P-Pop's Female Alphas na G22 sa nalalapit nilang concert ngayong July 12. Grateful din sina AJ Yape, Alfea Zulueta, at Jaz Henry sa kanilang fans na nagtulak sa kanila para matuloy ang concert.

Gaganapin ang The Eve of an Alpha: The First Concert ng G22 sa Linggo, July 12, 7:00 p.m. sa New Frontier Theater. Ito rin ang kauna-unahang solo concert ng girl group.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa G22 nitong Lunes, July 6, ibinahagi nina AJ, Alfea, at Jaz kung gaano sila ka-excited sa nalalapit nilang concert, lalo na at gaganapin ito sa New Frontier Theater.