Article Inside Page

Showbiz News

Sa papalapit na concert ng G22, meron pa bang takot at kaba na nararamdaman ang P-Pop's Female Alpha?Excited at kinakabahan ang P-pop's Female Alphas na G22 sa nalalapit nilang “The Eve of an Alpha: The First Concert” ngayong Linggo, July 12, 2026, 7 p.m. sa New Frontier Theater.

Dahil ito ang kauna-unahan nilang solo concert, inamin ng mga miyembro ng naturang girl group na sina AJ Yape, Alfea Zulueta, at Jaz Henry na marami silang kinatatakutan para sa nalalapit nilang concert.

“Sobrang dami, naghahalo-halo sila. Pero siguro 'yung isa sa mga pinakaumaangat sa 'kin, and feeling ko sa 'ming tatlo, 'yung hindi namin maipakita 'yung best selves namin sa concert, hindi namin mabigay nang todo,” sabi ni Alfea.