Umapaw ang suporta kay Alex Eala sa isang watch party at pinag-aralan na rin ng ilang LGU ang pagpapalawak ng tennis programs.Bagama't nagtapos na ang makasaysayang kampanya ni Alex Eala sa Wimbledon, hindi naman natitinag ang suporta ng mga Pilipino. Sa isang watch party, sama-samang ipinagdiwang ng mga tagahanga ang ipinakitang husay ng Pinay tennis star, habang ilang lokal na opisyal ay nagbabalak na palawakin ang tennis programs sa kani-kanilang mga lungsod.
Punong-puno ng sigawan, palakpakan, at pagwagayway ng mga watawat ang isang watch party sa FilOil EcoOil Centre habang tinututukan ng mga Pilipino ang laban ni Alex Eala kontra Italian tennis player na si Jasmine Paolini sa Wimbledon.
Bagama't nakuha ni Jasmine ang unang set, nanatiling mataas ang enerhiya ng mga nanood. Lalo pang naging kapana-panabik ang ikalawang set nang makalamang si Alex sa iskor na 4-3, dahilan upang mapatayo sa kani-kanilang upuan ang ilang tagasuporta.
Mas lalong umingay ang venue nang maiuwi ni Alex ang second set, na nagbigay ng pag-asang maipagpapatuloy niya ang kanyang impresibong kampanya sa prestihiyosong torneo.
Gayunman, nanaig si Jasmine sa deciding set, 6-3, na siyang nagtapos sa makasaysayang Wimbledon run ng Pinay tennis sensation.














