Article Inside Page

Showbiz News

Inspiring na message ang bigay ni Allen Ansay para sa mga bagong graduate ng Sparkle Prime Workshop.Isang inspiring message ang binigay ni Sparkle artist Allen Ansay sa graduates ng Sparkle Prime Workshop. Ibinahagi rin niya ang sariling karanasan bilang isang aktor sa kanila.

Sumailalim ang 99 na graduates ng workshop sa iba't ibang learning modules sa acting, personality development, at public speaking. Nanguna sa graduation sina GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, Sparkle GMA Artist Center First Vice President Joy Marcelo, at iba pang opisyal ng GMA Artist Center.

"Lagi kong sinasabi talaga sa mga nanghihingi ng advice sa 'kin na gumawa ka na ng maraming mali sa workshop kasi sila, nandiyan sila para turuan ka, para pagdating sa work, mas ma-improve mo na 'yung sarili mo, alam mo na kung paano 'yung gagawin," sabi ni Allen sa panayam kay Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend.