Photo Inside Page

Photos

Nagsalita na rin ang Sparkle actress na si Sofia Pablo upang linawin ang usap-usapang pagtigil ni Allen Ansay sa panliligaw sa kanya matapos ang inilabas na pahayag ng aktor sa social media.

Nilinaw ni Allen sa comments section ng TikTok na itinigil na niya ang panliligaw kay Sofia noong Marso. Ayon pa sa aktor, nananatili ang respeto at suporta nila sa isa't isa.

Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Lunes, July 6, ipinaliwanag ni Sofia ang tunay na dahilan kung bakit itinigil ng Code Grey actor ang panliligaw sa kanya.