This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

Nico Villarete

Kailangang ma-educate ang mga eskuwelahan at pamilya sa pag-identify ng warning signs ng radicalization

Hindi lang kapalpakan ng eskuwelahan o kakulangan ng parental supervision ang nangyaring trahedya sa Tacloban City. Tila may napunit din sa social fabric ng ating lipunan nang itutok ng edad 14 at 15 ang baril sa kapwa nila mag-aaral.

Malinaw na hindi ito naganap sa isang vacuum. Isang nakagigimbal na katotohanan ang nahalungkat ng Senate committee on women, children, family relations, and gender equality noong July 1: tinatarget ng mga nihilistic violent extremism (NVE) networks ang ating mga kabataan.