Article Inside Page

Showbiz News

Sinubukan ni Miguel Tanfelix ang indoor sport na bouldering.Isang bagong sport ang sinubukan ni Kapuso actor Miguel Tanfelix.

Na-challenge ang lakas ng mga braso ni Miguel sa indoor sport na bouldering.

Ang bouldering ay isang uri ng rock climbing kung saan hindi gumagamit ng mga lubid at harness. Tanging climbing shoes, chalk, at safety mats lang ang gamit dito.