Article Inside Page
Showbiz News
Ang Binibining Pilipinas Grand Parade of Beauties ay gaganapin sa July 11 sa Araneta City Grounds.Kailangan nang ayusin ng mga pageant fans and aficionados ang kanilang schedules dahil may paparating na event para makita nila ang kasalukuyang mga Binibining Pilipinas candidates nang malapitan.
Nag-announce ang Araneta City na gaganapin ang Binibining Pilipinas Grand Parade of Beauties ngayong July 11, 4 p.m., sa Araneta City Grounds. Ayon sa caption ng kanilang Instagram post, ang parade ay ang “grandest and most beautiful moment of the Binibini season.”
Ang Grand Parade of Beauties ay mangyayari pagkatapos i-reveal ang beauty and body leaderboards ng mga candidates na kasali sa pageant ngayong taon.






