Article Inside Page
Showbiz News
Gaganapin ang Binibining Pilipinas national costume competition sa July 2 sa New Frontier Theater.Mas lalong umiinit ang kompetisyon sa Binibining Pilipinas pageant ngayong inanunsyo na ng organization kung kalian magaganap ang inaantabayan nitong national costume competition.
Ipinaalam ng Binibining Pilipinas organization sa pamamagitan ng isang Instagram post na gaganapin ang national costume competition sa July 2, 3 p.m., sa New Frontier Theater. Sa caption ng post, isinulat ng organization na ang event ay magiging showcase para sa “beauty, culture, and creativity of the Filipino spirit”.
Ang national costume competition ay isa lamang sa mga challenges na maaaring makatulong sa mga kandidata para makakuha ng korona ngayong taon. Noong launch ng partnership ng Binibining Pilipinas sa partnership nito sa glutathione brand na SnowCaps, si Binibining Pilipinas 12 Gwendoline Meliz Soriano ang nanalo ng special award at pinangalanang Miss SnowCaps Radiance.






