Article Inside Page

Showbiz News

Lexi Gonzales kay Gil Cuerva: “Ayoko lang na jina-judge siya because of one particular thing.”Sa isang eksklusibong panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, nagsalita ang Taskforce Firewall star na si Lexi Gonzales patungkol sa naging dahilan ng pagtatanggol niya sa ex-boyfriend na si Gil Cuerva, matapos masangkot ang aktor sa isyu ng kumalat na intimate video online.

Sa kasagsagan ng kontrobersya, matapang na dinala ng aktres ang kaniyang saloobin sa Threads. Binigyang-diin niya na hindi kailanman tama na yurakan ang integridad ng isang tao sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga ilegal na content.

“Regardless of what happened between us, people shouldn't be trying to ruin a person's integrity by spreading malicious and illegal content about them. Mahiya naman kayo. You guys should have some dignity [and] respect,” sulat ni Lexi sa kaniyang post.