Article Inside Page

Showbiz News

From inspiration to distraction, alamin ang saloobin nina Lexi Gonzales at Cheska Fausto sa pagkakaroon ng love life.Kadalasan, ang love life ay nagsisilbing inspirasyon para sa marami. Ngunit para sa Taskforce Firewall stars na sina Lexi Gonzales at Cheska Fausto, may mga pagkakataon din na nagiging distraction ito.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 30, sinabi ni Lexi na dahil likas na emosyonal ang mga aktor at ginagamit nila ito sa kanilang trabaho, nagiging malaking distraction ang pagkakaroon ng love life sa kanila.

“Ang hirap nga naman ang [magtrabaho] nang magkaaway kayo, 'yung mga gano'n,” sabi ni Lexi.