Article Inside Page

Showbiz News

Si Drei Arias ng Bulacan ang tinanghal na 2026 winner ng Mr. Gay World Philippines pageant.Merong mga panibagong mga susuportahan ang mga Filipino pageant fans and aficionados ngayong isa na namang pageant organization ang nag-announce ng mga winners.

Ipinakilala ng Mr. Gay World Philippines ang winners ng kanilang pageant sa kanilang official Facebook account. Ang mga winners ngayong taon ay si Mister Bulacan Drei Arias, na ngayon ay lalaban sa Mr. Gay World pageant.

Samantala, si Mister Malabon City Mark Anthony Bacongan at Mister Makati Lourd Ryan Ramos ay pinangalanang All-Stars Winner 1 and 2. Si Mister Sta. Ana Juan Miguel Lago naman ay first runner-up, habang si Mister Leyte Jamil Guillera ay second runner-up.