Article Inside Page

Showbiz News

Bukas ba sa posibilidad si Julie Anne San Jose na makatrabahong muli ang dating on-screen partner na si Elmo Magalona?Sa isang eksklusibong panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong ng batikang host na Boy Abunda si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose tungkol sa naging pahayag ng kaniyang former on-screen love team partner na si Elmo Magalona, na naunang makapanayam ng King of Talk sa kaniyang programa.

Sa panayam kay Elmo, itinanong ng veteran host kung bukas ba siya na magkaroon ng isang collboration sa pagitan nila ni Julie Anne muli. Agad naman itong tumugon at sinabing: “Yeah! We could.”

Tila bukas naman ang aktor sa ideya na muling magkrus ang landas nila ng kaniyang dating on-screen partner matapos ang mahabang panahon.