Article Inside Page

Showbiz News

Sa guest appearance nila sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ngayong Huwebes, June 25, sinagot ni Julie Anne San Jose ang tanong kung okay lang sa kanya na maka-collaborate ng boyfriend niyang si Rayver Cruz ang ex-girlfriend nito.Nagsimula bilang best friends sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz hanggang sa nauwi ang kanilang closeness sa pagiging magkasintahan matapos magsama sa ilang proyekto sa GMA.

Pag-amin ng Kapuso couple sa guest appearance nila sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes. June 25, maging ang exes nila ay hayagan nilang napag-uusapan.

Paliwanag ni Rayver, "'Di ko s'ya ibi-bring up unless nagtanong si Jules pero hindi s'ya yung out of nowhere na parang nag-reminse ka kasi syempre, for me, baka 'di ka super in love sa partner mo."